I'm much more than a PRINCESS
but you don't have a name for it yet here on earth. Ü

HomeSHE acts like summer and walks like rain...Aug 10, 2004
Photobucket - Video and Image Hosting 
 
 
 

She said she usually cried at least once each day..

 

Not because she was sad,

 

but because the world was so beautiful & life was so short. 

 

 
 
 
 

 
  Proud to be the FIRST LITRATONG PINOY MEMBER in the UAE!  

 

Blog EntryGrey24 will temporarily be...Jun 29, '08 12:02 PM
for everyone

 

 

OFFLINE.

 


Blog EntryL.P. #10: Pag-iisang DibdibJun 5, '08 11:33 AM
for everyone

 

Kung tayo’y matanda na
Sana’y di tayo magbago
At kailan ma’y, nasaan ma’y
Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang
Ako’y hagkan at yakapin ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa `yo
Ako pa kaya’y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw
Ang `yong buhok
Ay puputi na rin (puputi na rin)
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa `tin


Ang nakalipas ay ibabalik natin ooh
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko’y laging sa ‘yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Kahit maputi o wala na ang
Buhok ko

oOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOo

Ang aking munting handog sa pinakamamahal kong mga magulang ay ang ipakasal silang muli pagkalipas ng 25 na taon. Tanda ito ng aking pagmamahal at pasasalamat sa kanila sa buong 25 taon ng kanilang pagsasama ay inaruga nila kaming magkakapatid at minahal ng walang katumbas. Abot langit na ang aking tuwa na kahit sa munting paraan ay napaligaya ko sila.

Biro nga ng aking tatay: "Pipirma na naman ako ng bagong kontrata.. Another 25 years na naman to! Renew na naman!" Hahahaha! Papa talaga patawa!

 

:: Ika-26 ng Enero 2008 ::

:: Pilipinas ::

 


Blog EntryTake me home Hotshots.Jun 1, '08 1:29 PM
for everyone

Just when I thought I`m losing my blog mojo.. here I am spreading the tag love from my LP sistah, the sexpat diva - PINKY! Well, this is one tag I cannot afford to say pass!  I have heaps of celebrity crushes since Teen Bop and Tiger Beat eras, hahaha!!! I`d have to shortlist them though. So, ladies.. check out the crème ala crème of gorgeous, fiery hot, good-looking and drool-worthy men!

Hello, Papa O (as coined by Pinky, herself. Thanks Pinks! I find my *B*`s new nick endearing by the way!), you still have the number 1 spot in my list!

Here are the only two guidelines for this post. The rest is all up to you! It does not necessarily mean you have to limit your post with descriptions nor the number of men you`d think deserve to have a spot in your hall of fame! Enjoy!

One: Post pictures (We all want to see what the “hotness” is all about!); and

Two: Keep the linky link alive! (TIP:  highlight the text which has links, right click and choose View Selection Source and just copy the HTML). Link the post where you wrote about the topic so women can find more drool-worthy men (you might need to publish and then edit the entry first, though).

My Sexy love. A Polish Jew who happens to be born in France. Michael Vartan. Who would`ve missed noticing his outstanding portrayal of Agent Michael Vaughn in one of the longest running tv series, Alias? He`s appeared in several top billing flicks which include Never Been Kissed, One Hour Photo and Monster-in-law to name a few. I`m never a big fan of body-builder-type men, so Vartan`s bod is just perfectly appealing to me. Lean, not too muscular but toned in the right areas. His role in Alias alone, made me so attracted to him! How`d you actually feel to have a guy as protective and as loving as Vaughn? Piece of heaven!

 

My Boylet. Now, I feel nostalgic thinking about Colin Hanks. The eldest son of the Oscar-winning actor, Tom Hanks. I first saw him or rather noticed him when he starred in Orange County. I instantly swoon over his cuteness! Being a teenager back then, I`m partial to the kind of movie plots wherein you only worry about homework and your cute boyfriend who makes you kilig!  Hahaha! A local celebrity crush of mine resembles Colin Hanks! Here`s a hint: He`s part of the 5 & Up original crew! Yiiiheeeee!

 

Muy Caliente Latino amor! Can you believe that Jay Hernandez went to Don Bosco Technical Institute??? Well, in Rosemead Cali that is. Coming from an all-girls school which is often paired up with Bosconians, I thought that Jay Hernandez might have been such a hottie Bosconian..  haha! In his excellent portrayal of Carlos in the movie Crazy/Beautiful, Jay Hernandez absolutely won a much-deserved spot in my hall of fame. He simply have the most adorable smile which can tame any fiendish Nicole in us. Aaww.. Mi amore!

 

I`m spreading the hot tag love to:

Trix, Philline, Melai, Nikki, Pau and Nica!

 



Blog EntryThe Se7en Year BreezeMay 28, '08 1:36 PM
for everyone

 

HAPPY 7TH ANNIVERSARY BABIE!!!

Never Ending YOU.

I Love You.


Blog EntryL.P. #7: UmaapoyMay 15, '08 3:55 PM
for everyone

Nasa kalagitnaan pa din ako ng "hell week" sa opisina kaya humihingi po ako ng paumanhin sa hindi ko pagbisita sa mga ka-LP.  Ako po ay namamalimos ng oras sa dami ng aking trabaho sa opisina. Isama mo na dun ang pressure ng deadline. Natapos na ang isang event at isang presentation ko pero may isa pa sa linggo na presentation kaya pasensya na po pero hindi ko po kakaligtaan bumawi sa mga ka-LP!

 

UMAAPOY BA KAMO??

AYAN ANG NAPAKAINIT NA KUHA SA DISYERTO! hehehe..

Tiniis ang init para lang magkaron ng litrato sa disyerto.. hahaha!!!

Tama bang mag-inuman pa sa init ng panahon?? Hindi kami ang uminom nyan. Nadatnan ko lang at naaliw naman akong kuhanan ng litrato.

Mahilig ako sa mga "silhouette" shots. Napakagandang kumuha ng litrato tuwing takipsilim o paglubog ng umaapoy na sinag ng araw. Tulad ng apoy ng sinag ng araw, ganun din ang nag-aalab ng pagmamahal sa mag-asawang kinuhanan ko. :)

Ang lahat ng mga litrato ay kinuhanan ko sa kasagsagan ng tag-init dito. Iba ang tag-init sa Middle East, para kang nasa loob ng higanteng oven o kaya malaking tambutso ng sasakyan. Ganyan kainit!!! UMAAPOY ANG PAKIRAMDAM!  Sa maniwala kau`t sa hindi, ang tubig dito ay hindi mo kakayanin ipanligo sa init. Pang-kape na lang pede pa.. hehehe!

 

:: Ika-3 ng Agosto 2007 ::

:: Dreamland Aquapark ::

 

 


Blog EntryL.P. #6: Mahal na INAMay 10, '08 4:10 AM
for everyone

Sabi nila na ang pagiging ina ang isa sa pinaka-makabuluhang bagay na magagampanan mo bilang isang babae.
Kung ganun man, ay pangarap kong maging isang tulad ng aking ina.

Ang mahal kong Ina.
Ang kauna-unahang babae sa buhay ko na hinangaan ko.
Walang sapat na salita ang makakapagbigay ng tunay na paglalarawan kung paano siya naging isang napakamabuting ina sa aming pamilya.
Siya ang unang nagturo sa akin humawak ng lapis at magsulat.
Siya ang una kong naging guro. Ang unang nagturo sa akin magbasa.
Ang aking sumbungan, takbuhan, kakampi at kaibigan.
Pangako kong mamahalin magpakailanman.

:: Ika-26 ng Enero 2008 ::
:: Silver Wedding Anniversary ::





Blog EntryL.P. #5: MalungkotMay 1, '08 4:06 PM
for everyone

Ngaun ko lang nadiskubre na ang pinaka-malungkot na lugar sa Pilipinas ay ang NAIA Departure area. Ito ay totoo sa mga OFW na tulad ko. Kung anong saya ng pag-uwi mo ay halos doble o di mapantayan ang lungkot na madarama mo sa araw ng iyong pag-alis muli. Sa Arrival area masasaya ang mg mukha tapos sa Departure area naman matatamlay at para bang hindi nag-vitamins ang mga itsura. Siyempre pag ikaw naman ay aalis para sa isang bakasyon grande, un ay ibang usapan naman. Ang isa sa pinaka-malungkot na naranasan ko ay ang umalis at iwan ang mga mahal sa buhay upang makapagtrabaho lang sa bansang dayuhan. Malungkot dahil sa sitwasyon sa ating bansa ay kailangan magsakripisyo. Bago lumipad ang eroplano ay para bang nakiramay ang langit sa lungkot na nararamdaman ko. Kasabay ng pag-ulan ng bahagya ay siya namang pagbuhos ng aking luha.

Aalis ako pero sa bawat pag-alis ko ay pangako kong iiwan ko ang aking puso.

Sa Pilipinas. Doon lamang.

Sa mga mahal ko sa buhay. Sa kanila lamang.

Ang lungkot sa aking puso ay tulad ng malamlam na kalangitan.

Ang tanging baon ay mga alaala ng masasayang araw na napakabilis nagdaan. 

 

 

:: Ika-7 ng Pebrero 2008 ::

 


Blog EntryL.P. #4: Hugis ay PahabaApr 24, '08 12:11 PM
for everyone

At dahil sa hindi masyadong kaaya-aya ang aking buong linggo, nagpaka-adik na lang ako sa pagkuha ng mga litrato na ilalahok sa LP. Nilibang ko na lang ang sarili ko kahit na sadyang hindi maganda ang kinalabasan ng mga nakalipas na araw..  LP NA LANG ANG KINARIR KO.

 Ang unang litrato ay kinuha ko nung nakaraang huwebes din. Sa katunayan ang huwebes ay ang araw ng aming pag-go-grocery. Huwebes ang huling araw ng trabaho dito at weekend namin ang Biyernes at Sabado. Maganda ang disenyo at lokasyon ng escalator. Meron nilagay na kapehan sa ilalim nito at ang mga halaman na nakapalibot dito ay tunay.

Ano kaya ang mga makukulay na parihaba na yan?

Walang iba kundi...... FLOOR MAPS! Ang litrato ay kinuhanan ko sa Hyper Panda Supermarket, sa Dubai Festival City din.

Napakagandang pagmasdan ng puno ng Dates. Kung sa atin ay puno ng niyog ang makikita kung saan-saan, dito naman ay puro puno ng Dates. Mahahaba ang sanga at dahon. Kinuhanan ko yan sa Dubai Internet City kung saan naroon ang aming opisina.

Habang break time ay nakaka-relax din pagmasdan ang man-made lagoon na ito. Nakikita nyo ba ang fountain? Mataas yan at pahaba din di ba?  Kaya isinali ko na din.

Habang naglalakad lakad, napansin ko na marami ng mahahabang talahib na tumubo sa landscape. Halata ba na napakahaba na nila? Hehehe.. Nakatulugan ata ng hardinero! Hahaha!

Ang tulay sa man-made lagoon. Dinadaanan ko ito para makapunta sa ibang gusali sa kabilang dulo.

Alam kong hindi pahaba ang hugis pero isinali ko na din. Ang litratong ito ay kinuhanan ko habang sakay ng bus service namin pauwi galing ng opisina. Yan ay sa Sheik Zayed Road. Parang expressway sa PIlipinas dahil may Toll fee din. May kalayuan ang opisina namin sa tinitirhan ko at ganyan ang itsura lagi pag pauwi. MAHABANG BIYAHE. MAHABANG TRAPIK. Tsk, tsk!

Hindi rin ito hugis pahaba. Yan ang kalendaryo ko sa aking mesa sa opisina. Abril pa lang ang buwan ngaun at MAHABA-HABA pang panahon ang inaabangan ko para makapagbakasyon muli sa PIlipinas. Ang huling uwi ko ay Disyembre ng nakaraang taon at sana naman ay makapagbakasyon ako ulit nitong darating na Disyembre. MAHABA PA ANG MGA ARAW. Sana bumilis na lang. Itulog ko na lang kaya muna ngaun? Mabuti pa nga.

 


Blog EntrySa kanilang mga mata.Apr 24, '08 2:58 AM
for everyone

Pumasok ako sa opisina ngaun umaga na namumugtong ang mga mata. Naiyak kasi ako kagabi nun napanood ko si Brian at si Victor.  

Ang dokumentaryo ng I-Witness at ng Probe. Isa sa pinaka thought-provoking na napanood ko. Sobrang na-apektuhan ako. Kahit sa iba mababaw, pero sobrang naging emosyonal ako. Hindi ko matanggap na ganun na kahirap ang panahon ngaun at ganun kabata ang meron na pasanin na sobrang bigat. Akalain mo na ang pinaghirapan mo ng pawis at dugo buong araw ang kapalit lang ay 60 pesos???!! Ang anim na sako na punong-puno ng bubog na hindi inalintana ng mga bata na durugin ay nagkakahalaga lang ng 60 pesos! Isang mabigat na sako ng bubog ay 10 piso???

Nakakadurog ng puso.   Sige magiging OA na ako pero talaga nakakapanghina ang sitwasyon nila. Sa pagdudurog ng bote napahamak pa si Brian. Naiyak talaga ako sa interview nya dahil pag tinitignan ko siya, ang tamlay nya pero pinipilit pa rin nyang pagtakpan ang sobrang hirap na dinadaanan nya. Parang napaka-inosente ng bata dahil hindi nya dinibdib na pwedeng mauwi sa pagkabulag ang bubog na pumasok sa kanyang mata!!! Iyak ako ng iyak nun ikinukwento na hindi na sila nakabalik sa ospital at hindi rin nila nabili ang mga gamot dahil WALA SILANG PERA.. Ang pakiramdam ay para bang pumasok ka sa isang kainan tapos gutom na gutom ka na at gusto mo kainin ang pagkain dun pero ng makita mo ang presyo ay tiniis mo na lang ang gutom mo at umalis ka na lang ng kumakalam ang tyan.

Nanghina ako dahil buhay at kalusugan na ng musmos na bata ang nakasalalay.

Hindi ko kinaya!  Jusko naalala ko pa tuloy si Kevin Carter. Un nanalo ng Pulitzer Prize nun 1994 dahil sa litrato na kuha nya sa Sudan.  

Sabi ko tuloy (habang nag-e-emote):

Ako: Huwaa.. naaawa ako kay Brian. Grabe kung mayaman lang ako bibigyan ko ng pera yan ngaun na. Kung kasing yaman ko lang si (nag-isip ng malalim)..... hmmm.. KRIS AQUINO, bibigyan ko na ng pera yan. Huwaaa...

*B*: Hindi, kung kasing yaman mo lang si (nag-isip din ng malalim)... si..... HENRY SY! Un! Un na lang!

Ako: Uhm... hindi kahit si.......... KRIS AQUINO na lang! Basta mayaman.  (nyah!!!)

[naging komedi pa tuloy, hanubayan!]

 

Naiyak pa din ako. Hanggang sa pagtulog ko. Huwaaaa...   

"What gets frustrating is that, in your heart, you have this strong and unquestionable desire to help so many people.. BUT you have so little means or you have no means at all."  

 

Psst:

TAGALOG AKO MAG-BLOG NGAUN DAHIL MERON AKONG KA-OPISINA NA ASUNGOT. MADALAS PA LA NYA BASAHIN ITO. WALA LANG GUSTO KO LANG SIYANG LITUHIN.. HEHEHE..  AKALA NYA HA..  

 


Blog EntryL.P. #3: Apat na KantoApr 17, '08 4:06 PM
for everyone

 

"Moog"

Sa likod ng moog ako`y nangumpisal.

Isiniwalat ang lihim, ibinuhos ang damdamin.

Matibay, mataas, matikas.

Moog ang tanging saksi sa saloobing matagal ikinubli.

 

:: Knowledge Village ::

:: Ika-12 ng Abril 2008 ::

 


LinkNatalie Dee: 'America's Favorite Cracker'Apr 15, '08 12:56 AM
for everyone
Link: http://nataliedee.com



I`ve loved Natalie Dee for 4 years now [since 04]. I`d often sneak at the office just for Natalie Dee!

WOW. ;p

Fukcin way better than happy pills. ;p


Blog EntryL.P. #2: Tatlo ang Sulok Ko.Apr 10, '08 4:36 PM
for everyone

Tekaaaa.. hahabol ako!!! 

"Keso"

Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa keso. Siguro dahil na rin hindi ko masyadong gusto ang lasa ng gatas na siya din pinagmulan ng keso. Mapapakain mo lang ako ng keso kapag naka-camouflage ito.. hehe.. tulad ng chichiria na cheese flavor sa dalawang unang litrato sa itaas o kaya naman cheese cake basta hindi lang purong keso tulad ng dalawa sa huli kong litrato sa itaas. Masarap un Doritos na Cheese flavor! Dito sa Dubai affordable ang mga dairy products, kasama na rin ang keso.

Nakauwi na ako ng bahay mga 11.37p Dubai Time ngaun araw na to. Kaya naman madaling-madali ako para ma-post ko na ang pangalawang entry ko. Grabe naman din kasi sa bilis ng internet koneksyon namin sa bahay kaya gudlak na lang sakin! Hehe.. Andami namin naka-konek! Hehehehe.. Kaya paumanhin po sa nahuli kong pag-post.

:: Ika-10 ng Abril 2008 ::

:: Mga Litrato ay kinunan sa loob ng bahay. ::


Blog EntryDrifting Away.Apr 6, '08 4:33 AM
for everyone

IMOGEN HEAP.

Hide and Seek.

Just amazing.

I love her.

I love that her debut album "I Megaphone" is an anagram of her name. :)

"Where pleasure moments hung before.
The takeover, the
sweeping insensitivity
of this
still life."

I love that this song was choreographed in the contemporary dance by Mia Michaels in the second season of So you Think You Can Dance.

Brilliant. Emotive. Stirring. Unabashed.

This is my goodnight song.

I play this for over 5 times till I forget about my day..

It will be stained in my memory until I fall asleep. Beautiful sleep. :)

"Ransom notes keep falling out your mouth.
Mid-sweet talk, newspaper word cut-outs."

 

Will definitely request this to be played in my funeral.


 


Blog EntryL.P. #1: Ako ay BILOGApr 3, '08 5:19 PM
for everyone

 

"Sorbetes"

Masarap.

Matamis.

Masaya.

Malamig.

Sa Araw ng Tag-init.

 

Ang SORBETES (o Dirty Ice Cream) ay ang lokal na bersyon ng ayskrim na kadalasang itinitinda sa isang de-tulak na karitela. Noong 1920s unang natikman ng mga Filipino ang matamis at malamig na pagkaing ito. ~ WikiFilipino (Para sa Filipino)

 

Ito ang aking unang paglahok sa LitratongPinoy. Yehey! ;-P Pwedeng i-klik ang larawan upang palakihiin. :)

:: Baskin and Robbins, Al Ghurair Mall ::

:: Ika-3 ng Abril 08 ::


LinkLitratongPinoy!Apr 2, '08 3:18 PM
for everyone
Link: http://www.litratongpinoy.com

May maganda akong nadiskubre! Ang LitratongPinoy! Hindi ako propesyonal na litratista ngunit kaya ko naman magtagalog at mahilig ako sa mga litrato at talaga namang hinahangaan ko ang mga malikhain na litratista. :) Sabik na ako sa lingguhang paksa para sa mga litrato! Yehey! :)

Aasahan ko at hihintayin ang magandang balita! :) Sali na sa LitratongPinoy! Masaya tooooooooo! :D

ABANGAN!



LinkPinoyCentricApr 1, '08 8:20 AM
for everyone
Link: http://pinoycentric.com/

"All Things Brown and Beautiful" ♥

Maganda to! Bisitahin nyo! Taas noo PINOY!!!






VideoHappy Gazel Day!!!Mar 27, '08 12:34 PM
for everyone
Nevermind that adding another candle each year on your birthday cake means you`re another year older.

For celebrating your birthday only means a whole new year of abundant blessings! Cheers! :D




MOV07695.MPG (4.9 MB)

VideoThe Kiddie Party :)Mar 27, '08 12:07 PM
for everyone
Parang children`s party dahil mga kids ang nag-blow ng cake, hihihi.. :o

Kids are sweet reminders how good it is to feel young! :)


MOV07694.MPG (4.5 MB)

VideoThe Birthday Dance! :)Mar 27, '08 10:41 AM
for everyone
A night filled with so much fun! This was Ate Gay`s Birthday eve at Pasto. She was certainly the happiest birthday girl that night! The Bloomfields sang a birthday song for her. :) :)

Kowtabolkowts:

"Age is strictly a case of mind over matter. If you don't mind, it doesn't matter!"

Right! ;-P


MOV07608.MPG (1.6 MB)

MessageGuestbook
   
jhoibertiz wrote on Jun 23
*dearest kulang ng letterr..haha
jhoibertiz wrote on Jun 23
miss u my deares

♥u
jhoi
grey24 wrote on Jun 5
To sinette: Mare, nagkasakit si *B* e.. di kami nakalabas :( aramex ko na lang.
grey24 wrote on Jun 5
Ate Nikki, being YOU is what you do best! :) *kisses*
nikkipretty0829 wrote on Jun 5
hi grey .. i have many celeb crushes but i cnt look for descriptions to describe them...sad im not good with what you're good at =( sad (sigh)
nikkipretty0829 wrote on Jun 3
i'll try it later..thnx.. =)
sinette wrote on May 28
grey online ka pala.chat tayo...meron ako itatanong sayo
grey24 wrote on May 18
ka-LP! palimos naman ng boto para sa veramoko! :D http://salaswildthoughts.blogspot.com/ salamat!
Yup-yup!!! You have my vote!!! :) ka-LP of course! :)
grey24 wrote on May 18
baby! what's happening to you na? haven't heard from you since.... ;p super hot shots on your LP entry 7! good work :)
Mumbie, super toxic with work ;( I feel like I`m back at school doing tons of homework and presentations! URRRGGGH!!!
veramoko wrote on May 17
ka-LP! palimos naman ng boto para sa veramoko! :D http://salaswildthoughts.blogspot.com/ salamat!
doctorgail wrote on May 16
baby! what's happening to you na? haven't heard from you since.... ;p super hot shots on your LP entry 7! good work :)
grey24 wrote on Apr 24
Mumbie!!! Come back home! :D I`m hyper excited!!! Take much care, luvyah! ♥
doctorgail wrote on Apr 23
adbaby im flying back tomorrow!! hurray! got heaps of stories to tell u! and of course, snaps!!! lots o' snaps lined up for posting!! :) i need to be with you over coffee, SERIOUSLY... ;|
grey24 wrote on Apr 18
namimiss na kita
mas mimiss kita lalo :(
melaigawgeas wrote on Apr 18
namimiss na kita
grey24 wrote on Apr 6
aaww.. sige just give me a BUZZ! when you`re online ^v^
nikkipretty0829 wrote on Apr 6
hehe im offline sa ym =)
grey24 wrote on Apr 6
Chat na tau! Hihihi.. :))
nikkipretty0829 wrote on Apr 5
yihee online..
i added you sa ym =)
tinespinosa wrote on Mar 26
Wow! I'm looking forward to that Grey!! Exciting!! Let me know ha? :-)
Thanks sooo much & God bless you lagi :-)
Pages:12345678
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help